Inaprubahan ng Cebu Provincial Board ang isang resolusyon na nagdedeklara ng ‘traffic crisis’ sa lalawigan.
Ito ay matapos humaba ang commuting hours sa Metro Cebu.
Sa resolusyong inihain ni Provincial Board Member Glenn Soco, sinabi nitong ayon sa pag-aaral ng Japanese International Cooperation Agency (JICA), nalulugi dahil sa traffic congestion ang Cebu ng P1.1 bilyon kada araw, mas mataas sa P500 milyon noong 2017.
Ilan sa mga dahilan ng tumitinding trapiko ayon kay Soco ay ang patuloy na pagtaas ng populasyon, kawalan ng disiplina ng mga driver at commuter, masikip na mga kalsada at kakulangan ng koordinasyon sa pagitan ng gobyreno at pribadong sektor.
Dahil dito, hinimok ng Cebu Provincial Board ang pambansang gobyerno na pabilisin ang mga proyektong pang-imprastraktura para matugunan ang traffic situation.
Ayon kay Soco, mabagal ang paglalabas ng pondo para sa mga transportation projects sa Cebu.
Samantala, noong Lunes, dahil sa sikip ng trapiko, napilitang bumaba sa kotse at maglakad na lang si Cebu Governor Gwen Garcia patungong Provincial Capitol para makaabot sa flag ceremony.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.