DOH: Pag-arangkada ng mass vaccination kontra polio ‘generally successful’

Tagumpay ang paglulunsad sa Sabayang Patak kontra Poliovirus sa Metro Manila at ilang bahagi ng Mindanao noong Lunes ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, alas-4:00 ng hapon pa lamang noong Lunes, 11 percent na ng 1.27 milyong target sa Metro Manila ang nabakunahan kontra polio.

“It was generally successful although right now I don’t have the figure for Mindanao. But there was not much resistance to the vaccination,” ani Domingo.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na 15 percent ng target sa Davao City ang nabakunahan na habang sevent percent ang sa Davao del Sur.

Nabalam naman anya ang vaccination drive sa Marawi City at Lanao del Sur dahil sa mga pag-ulan.

Sa kabila nito, kumpyansa si Duque na sa October 27, huling araw ng mass vaccination, magagawa ng DOH na maabot ang target na 95 percent.

Nais ng DOH na mabakunahan ang lahat ng batang edad lima pababa kontra polio.

Samantala, sinabi ni Duque na nahihirapan ang kagawaran na mabigyan ng vaccination ang mga bata na nasa loob ng ‘gated communities’ at ‘subdivisions’.

“So far, what we are seeing is that the gated communities and subdivisions are difficult to penetrate. We cannot enter them and usually, they don’t go to our health centers either,” ani Duque.

Dahil dito, makikipag-ugnayan anya ang kagawaran sa mga homeowners association para sa pagbuo ng ‘patak’ centers sa kanilang subidivisions.

Hihikayatin din anya ang mga residente na bisitahin ang mga ‘patak’ centers na malapit sa kanilang lugar.

Matapos ang October 27, may isa pang round ng mass vaccination sa November 25 hanggang December 7 kung saan isasagawa na ito sa buong Mindanao at Metro Manila.

Read more...