Comelec employee patay sa pamamaril sa Leyte

By Rhommel Balasbas October 16, 2019 - 02:16 AM

Patay sa pamamaril ng hindi nakikilalang mga lalaki ang isang 42-anyos na empleyado ng Commission on Elections (Comelec) sa MacArthur, Leyte, Martes ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Maureen Palejero Japson, isang election assistant officer.

Ayon sa pulisya, galing ng opisina si Japson at pauwi na ng bahay sakay ng motorsiklo ng kanyang katrabahong si Roldan Evangelista.

Pero sa bahagi ng Barangay Pongon, bigla na lamang sumulpot ang dalawang lalaking sakay rin ng motorsiklo at tinambangan si Japson.

Nagtamo ng pitong tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na agaran nitong ikinamatay.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga nasa likod nito.

TAGS: Comelec employee shot dead, election assistant officer, leyte, MacArthur, Comelec employee shot dead, election assistant officer, leyte, MacArthur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.