Pope Francis nagtalaga na ng bagong obispo para sa Sorsogon
Itinalaga ni Pope Francis si Fr. Jose Alan Dialogo ng Archdiocese of Manila bilang bagong obispo ng Diocese of Sorsogon.
Ang bishop-elect ang hahalili kay Bishop Arturo Bastes na naabot na ang mandatory retirement age na 75 noon pang Abril.
Isinapubliko ni Bastes ang appointment kay Dialogo sa kasagsagan ng priesthood ordination sa Sorsogon Cathedral Martes ng umaga.
Ayon sa CBCP News, ang appointment kay Dialogo ay dapat iaanunsyo sa Roma ganap na alas-12:00 ng tanghali sa Pilipinas.
Gayunman, hiningi umano ni Bastes ang permiso ni Papal Nuncio Archbishop Gabriele Caccia na ianunsyo ito nang mas maaga.
Ayon kay Bastes, tubong Naga City ang bagong obispo at kayang mag-Bicolano.
Si Dialago ay kasalukuyang direktor ng Jaimes Cardinal Sin Welcome Home, isang pasilidad para sa mga retiradong pari ng Maynila.
Wala pang petsa kung kailan isasagawa ng episcopal ordination ni Dialago at ang kanyang installation bilang ikalimang obispo ng Sorsogon.
Samantala, 16 na taong pinagsilbihan ni Bishop Bastes ang diyosesis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.