Gunrunner na pulis naaresto ng NBI

By Rhommel Balasbas October 16, 2019 - 01:29 AM

Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang aktibong pulis na umano’y sangkot sa gunrunning.

Nakilala ang pulis na si Corporal Jhune Restie Elias na kasalukuyang nakatalaga sa warrant section ng Malabon City Police.

Ayon kay NBI spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin, nagsagawa ang mga operatiba ng NBI-MIMAROPA at NBI-NCR ng buy-bust operation noong October 11 laban kay Elias.

Positibong nakabili ng iligal na mga armas mula kay Elias ang NBI agent na nagpanggap na poseur buyer

Nakuha sa pulis ang aabot sa P295,00 halaga ng mga armas na may defaced serial numbers and ammunition.

Ayon kay NBI-MIMAROPA Acting Regional Director Rommel Vallejo, ikinasa nila ang operasyon matapos makatanggap ng sumbong tungkol sa iligal na gawain ni Elias na posible umanong nagsusuplay din ng armas sa gun-for-hire groups.

TAGS: gunrunning, Malabon police officer, National Bureau of Investigation (NBI), gunrunning, Malabon police officer, National Bureau of Investigation (NBI)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.