Ex-Senate President Nene Pimentel nasa ‘stable condition’ na

By Rhommel Balasbas October 16, 2019 - 01:17 AM

‘Stable’ at bumubuti na ang kondisyon ni dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel ayon sa anak niyang si Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Gwen Pimentel-Gana.

Sa pahayag, sinabi ni Gana na isinugod sa ospital ang kanyang ama dahil sa pneumonia.

Inireklamo ni Pementel ang hirap sa paghinga.

Sa ngayon ay gumaganda na ang lagay ni Pimentel makaraang matanggal ng mga doktor ang tubig sa baga nito.

Sinabi naman ni Gana na hindi pa rin pwedeng tumanggap ng bisita ang kanyang ama.

Una nang inanunsyo ng pamilya Pimentel na nasa intensive care unit ang dating Senate President.

Nanawagan ang pamilya at ang PDP-Laban ng panalangin para sa agarang paggaling ni Pimentel.

TAGS: CHR Commissioner Gwen Pimentel-Gana, Former Senate President Nene Pimentel, pneumonia, stable condition, CHR Commissioner Gwen Pimentel-Gana, Former Senate President Nene Pimentel, pneumonia, stable condition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.