Bilang ng mga nasawi sa Japan dahil sa Typhoon Hagibis, pumalo na sa higit 70

By Angellic Jordan October 15, 2019 - 10:09 PM

Pumalo na sa 70 ang bilang ng mga nasawi sa Japan dahil sa pananalasa ng Typhoon Hagibis.

Batay sa ulat, hanggang Martes ng gabi (October 15), nasa kabuuang 72 na ang bilang ng mga nasawi habang dose-dosena pa rin ang nawawala.

Sinabi naman ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na tuloy pa rin ang search and rescue operations para sa mga nawawalang biktima.

Magkakatuwang sa operasyon ang aabot sa 110,000 pulis, bumbero, sundalo at coast guard.

Nagbabala naman sa mga residente si chief cabinet secretary Yoshihide Suga na manatiling alerto sa posibleng maranasan pang pag-ulan sa lugar.

Samantala, nagpahayag ng pakikiramay si Emperor Naruhito at Empress Masako sa mga residenteng naulila ng ilang mahal sa buhay dahil sa bagyo.

Sa kabila nito, walang plano ang gobyerno na iurong ang petsa ng seremonya at parada sa para sa selebrasyon ng enthronement ni Naruhito sa October 22.

TAGS: Japan, Typhoon Hagibis, Japan, Typhoon Hagibis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.