Ilang senador, nais maibasura ang poll protest ni Bongbong Marcos vs VP Robredo
Nais ng ilang senador na maibasura ang inihaing electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ito ay matapos ipag-utos ng Korte Suprema, tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), na ilabas ang committee report na naglalaman ng resulta ng initial recount para sa poll protest.
Sa inilabas na joint statement, iginiit ng Minority senators na sina Franklin Drilon, Leila de Lima, Risa Hontiveros at Francis “Kiko” Pangilinan na dapat nang i-dismiss ang kaso.
Dapat na anilang tigilan ang mga kasinungalingan at sa halip, tanggapin ang katotohanang si Robredo ang bise presidente ng bansa.
Binanggit din ng mga senador ang tila pagsasantabi umano ng SC sa sariling patakaran na i-dismiss ang kaso kung hindi makapagpapakita ang kampo ni Marcos ng substantial recovery sa tatlong probinsya.
Kinatigan din ng mga senador ang pagbibigay ng dissenting opinion nina Associate Justices Antonio Carpio at Alfredo Benjamin Caguioa.
Nanawagan naman ang mga senador na makiisa sa paninindigan na si Robredo ang tunay na nakakuha ng maraming boto noong 2016 elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.