P3M halaga ng marijuana, nasabat sa bus terminal sa Baguio
Nakumpiska ng mga otoridad ang ilang marijuana sa isang bus terminal sa Baguio, araw ng Lunes.
Ayon sa pulisya, nakuha sa tatlong hinihinalang marijuana courier ang 17 bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Nakilala ang mga suspek na sina Samuel Baldovino, Joseph Brizuela at Rhyjen Rodriguez Hernandez.
Nagmula ang tatlo sa Bontoc, Mountain Province at dumating sa Baguio bandang 10:00 ng gabi.
Nakabalot sa aluminum foil ang mga marijuana na may bigat na 17.5 kilos.
Tinatayang nagkakahalaga ang kontrabando ng P3 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.