Pagkaltas ng 2020 DOH budget, tinututulan ng mga manggagawa sa kalusugan

By Noel Talacay October 15, 2019 - 07:24 PM

Nagmartsa ang mga manggagawa sa kalusugan mula Univesity of Sto. Tomas (UST) mula España hanggang Mendiola, araw ng Martes.

Layo nitong ipakita sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa mahigit P9 bilyong pisong kaltas sa panukalang pondo ng Department of Health (DOH) para sa taong 2020.

Ayon kay Dr. Joshua San Pedro ng Coalition for People’s Right to Health (CPRH), panawagan ng kanilang grupo na dagdagan ang pondo sa sektor ng kalusugan para matugunan nang maayos ang mga pangangailangan ng bansa kaugnay sa kalusugan.

Aniya, unang maapektuhan ng pagbabawas ng pondo sa DOH ay ang mga mahihirap na Filipino.

Ikinakatakot ni Dr. San Pedro na baka mas lumala pa ang mga problema sa pangkalusugan na kasalukuyang kinakaharap ng bansa.

Isa na dito ang kakulangan ng mga manggagawa sa, limitadong access at mababang kalidad ng serbisyong medikal.

Panawagan din ng grupo na madagdagan ang mga plantilla position at P30,000 na sahod para sa entry level ng mga nurse.

Kasama rin sa kanilang ipinaglalaban ang magkaroon ng libre, mas komprehensibo at mataas na kalidad na health care services at ang P16,000 na national minimum na sahod.

Sumama sa nasabing kilos protesta ang mga health worker, nurse at community health worker sa ilalim ng Alliance of Health Workers, Filipino Nurses United at Coalition for People’s Right to Health.

Nagsimula ang kanilang programa pasado 9:00 ng umaga at nagtapos ng 11:00 ng umaga.

Umaasa ang grupo na pakikinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang mga hinanaing at panawagan.

TAGS: 2020 budget, Coalition for People's Right to Health, doh, Dr. Joshua San Pedro, 2020 budget, Coalition for People's Right to Health, doh, Dr. Joshua San Pedro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.