Shortlist sa sususnod na SC chief justice, inilabas na

By Noel Talacay October 15, 2019 - 07:22 PM

Inilabas na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang shortlist kabilang ang mga pangalang irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte para pagpilian bilang susunod na chief justice ng Supreme Court (SC).

Kabilang sa shortlist sina Diosdado Madarang Peralta at Estela Perlas-Bernabe na parehong nakakuha ng pitong boto mula sa JBC en banc.

Apat na boto naman ang nakuha ni Andres Bernal Reyes Jr.

Ibig sabihin, hindi naisama si Jose Reyes Jr. sa mga irerekomemda ng JBC.

Ang pitong miyembro ng JBC en banc ay nagbotohan para makakuha ng tatalong pangalan na irerekomemda sa pangulo.

Sa loob ng 90 na araw, kailangang makapili ang pangulo ng papalit kay Lucas Bersamin bilang punong mahistrado ng Mataas na Hukuman.

Nakatakdang magretiro si Bersamin sa Biyernes, Oct. 18.

TAGS: Chief justice, Diosdado Madarang Peralta, Estela Perlas-Bernabe, JBC, shortlist, Supreme Court, Chief justice, Diosdado Madarang Peralta, Estela Perlas-Bernabe, JBC, shortlist, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.