5-anyos na anak napatay ng adik na nanay

By Angellic Jordan October 15, 2019 - 03:43 PM

Napatay ng isang ina ang kaniyang limang taong gulang na anak sa Rizal, Laguna araw ng Martes.

Ayon kay Police Col. Eleazar Matta, hepe ng Laguna police, pinigilang makahinga ng suspek na si Ana Loraine Medalla ang limang taong gulang na anak.

Maliban dito, pinagsasaksak din ng trenta-anyos na suspek ang isa pang labing-isang taong gulang na anak gamit ang gunting.

Natagpuang wala nang buhay ang limang taong gulang na biktima sa kanilang bahay sa Barangay Tuy.

Isinugod naman sa ospital ang kapatid nito na nagtamo ng maraming saksak sa katawan.

Sinabi ni Matta sa Inquirer.net na nagawa ng suspek ang karumal-dumal na krimen makaraang mag-halucinate bunsod ng droga.

Posible aniyang maharap ang suspek sa kasong parricide at frustrated parricide.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa krimen.

TAGS: laguna, parricide, PNP, Rizal, laguna, parricide, PNP, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.