Toll fee sa SLEX inihirit na suspendihin muna

By Erwin Aguilon October 15, 2019 - 03:09 PM

File photo

Ipinanukala ni Laguna Rep. Sol Aragones na suspindihin o kaya ay bawasan ang sinisingil na toll sa South Luzon Expressway kasunod ng nararanasang matinding trapik doon.

Base sa House Resolution 428 ni Aragones, ipinapasuspinde nito paniningil o kaya ay pinapabawasan ang singil sa toll sa SLEX sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay Aragones, maliit na bagay lamang ito kung ikukumpara sa pasakit na dinaranas ng mga commuters dahil sa “carmageddon” sa SLEX.

Ipinauubaya naman ni Aragones sa isasagawang pagdinig kung hanggang magkano ang bawas singil sa toll na ipatutupad upang hindi naman maapektuhan ang operasyon ng naturang expressway.

Depende rin ang itatagal sa suspensyon o bawas singil sa SLEX toll kung mas maaga naman sa anim na buwan matatapos ang Skyway extension.

Dahil sa konstruksyon sa Skyway extension, kinailangang isara ang ilang lanes sa SLEX na nagdudulot ngayon ng incovenience sa 370,000 na mga motorista at mga commuters.

TAGS: carmageddon, Skyway, Sol Aragones, carmageddon, Skyway, Sol Aragones

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.