PET inilabas ang initial recount report sa petisyon ni Marcos kontra Robredo
Sumang-ayon ang Korte Suprema na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) na ilabas ang committee report na naglalaman ng resulta ng initial recount para sa inihaing electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos.
Laman ng nasabing report ang revision ng mga balota mula sa tatlong probinsya na pinaniniwalaang nagkaroon umano ng dayaan.
Kabilang dito ang probinsya ng Camarines Sur, Negros Occidental at Iloilo.
Hiniling ang magkakaroon ng kopya ng report kasunod ng mga lumabas na ulat na nakapag-desisyon umano ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na ipagpaliban muna ang initial determination test sa tatlong nabanggit na probinsya at ituloy ang recount sa dalawampu’t dalawang probinsya.
Nagbigay naman ng dissenting opinion sina Associate Justices Antonio Carpio at Alfredo Benjamin Caguioa.
Sinabi ni SC spokesman Brian Hosaka na mayroong 20-days ang magkabilang panig para maglabas ng opinion sa inilabas na desisyon ng Mataas na Hukuman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.