SJDM Bulacan Coun. Richard Robes, anak na kagawad inasunto sa Office of the Ombudsman
Pormal nang ipinagharap ng reklamong serious dishonesty sa Office of the Ombudsman ang mag-amang Richard Maurice Robes, Konsehal ng Bulacan at anak nitong Brgy. Kagawad na si Richard Maurice III.
Sa kanyang reklamo na inihain sa Ombudsman ipinunto ng complainant na si Jason Cruz, residente ng San Jose Del Monte na Malinaw na nilabag ng mag-amang Robes ang section 3 ng civil service resolution(CSC) No.06-0538 na nagsasaad na sinumang opisyal o empleyado ng gobyerno ay pinagbabawalang mameke ng dokumento lalo pa kung ito ay may kinalaman sa pampublikong interes.
Ang paglabag sa nasabing panuntunan ay maikukunsiderang serious dishonesty.
Nag-ugat ang reklamo laban sa mag-amang Robes makaraang magpanggap si Richard Maurice III na siya ay si SJDM City Councilor Richard Maurice salig na rin sa utos ng kanyang ama.
Pakay ng pagpapanggap na iyon ay para makakuha ng certificate ang matandang Robes mula sa Center for Local and Regional Governance (CLRG), sa ilalim ng UP Diliman National College of Public Administration and Governance.
Una nang Ikinadismaya ng CLRG nang mapag-alaman nilang ang ipinadala ni Councilor Robes ay ang kanyang konsehal na anak sa seminar na may pamagat na Introduction to Excellence in Local Legislation (iExcelL) na ginanap noong Agosto 5 hanggang 9 ngayong taon.
Sinasabing nakipag-sabwatan si Kagawad Robes sa mga kapwa nito attendees, na sina Councilors Liezl Aguirre-Abat at Vanessa Michelle Roquero, para ipaalam sa CLRG na siya nga si Councilor Robes.
Sa kanilang statement, sinabi ng CLRG: “it is with great regret that our Center decided to withhold their Certificates of Completion given information that we received regarding the identity of the person who attended as Councilor Robes.”
“On the last day of the course, it came to our attention that someone who identified himself as Councilor Robes, but was not Councilor Robes, was attending in his stead,” dagdag pa sa sulat na nilagdaan ni CLRG Director Erwin Alampay.
Ikinadismaya din ng grupo na wala man lamang nagsabi kina Robes, Aguirre-Abat at Roquero sa center sa loob ng limang araw na seminar na may humalili kay Konsehal Robes. Nalukungkot ang grupo sa naturang pangyayari.
Samantala, maging ang Presidential Anti-Corruption Commission o PACC ay naniniwalang may pananagutan sa batas ang mag-amang Robes sakaling mapatunayan ang alegasyon laban sa kanila.
Ayon kay PACC Commissioner, Atty. Manuelito Luna “ If true, then he should be probed by the appropriate disciplining authority or DILG for dishonesty or misconduct.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.