Gabriela tiwalang uusad sa Kamara ang Divorce bill

By Erwin Aguilon October 15, 2019 - 01:52 PM


Nagpahayag ng kagalakan ang Gabriela partylist sa pahayag ng House Committee on Population and Family Relations na gagawing prayoridad ang pagtalakay sa mga panukalang nagsusulong na gawing ligal ang diborsyo sa Pilipinas.

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, may-akda ng House Bill 838 o divorce bill, long overdue na ang pag-apruba sa nasabing panukala.

Dumaan na ito sa napakahabang deliberasyon simula pa nang una itong maihain noong 13th Congress.

At dahil lumusot na ito sa Kamara noong nakaraang Kongreso, sinabi ni Brosas na dapat magkaroon na lang ito ng isang hearing sa komite alinsunod sa Section 48 ng House Rules.

Sa ilalim ng bill, magkakaroon na ng mas murang option sa pagpapawalang-bisa ng kasal.

Iginiit ng Gabriela na hindi makatarungan na hayaan ang mga mag-asawa partikular ang mga babae na makulong sa mapang-abusong relasyon.

TAGS: Gabriela Partylist, Gabriela Rep. Arlene Brosas, House Bill 838 o divorce bill, House Committee on Population and Family Relations, Section 48 ng House Rules, Gabriela Partylist, Gabriela Rep. Arlene Brosas, House Bill 838 o divorce bill, House Committee on Population and Family Relations, Section 48 ng House Rules

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.