‘Wala pa ring IS sa Pilipinas’-AFP

 

Mula sa Google

Muling itinanggi ng Armed Forces of the Philippines na may mga miyembro na ng Islamic State o ISIS sa Mindanao.

Ang pagkontra ng AFP ay bunsod ng lumutang na bagong video na ipinapakita ang isang grupo na may bitbit na mga itim na bandila at nagsasabing may grupo na ng ISIS sa Mindanao.

Paliwanag ni AFP Public Affairs Offcie chief Colonel Noel Detoyato, maaring gawa-gawa lamang ng isang grupo ang video ngunit wala namang direktang koneksyon ang mga ito sa Islamic State.

Posible aniyang nagsuot lamang ng itim ang mga taong nasa video at nagsabing miyembro sila ng ISIS upang sumakay sa atensyong nakukuha ng terror group.

Sa ngayon, itinuturing aniya ng AFP na propaganda lamang ang pagpapakilala ng mga itong kasapi sila ng grupo.

Sa ngayon, aniya ang Abu Sayyaf, Ansar al-Khalifa at BIFF ay itinuturing nilang mga sympathizers ng ISIS ngunit hindi direktang kumukuha nng direktiba mula sa mga ito.

Read more...