Mas mahigpit na promotion process ng PNP, iginiit ni Garbin
Isinusulong ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin ang pagkakaroon ng istriktong proseso sa bawat yugto ng promotion sa Philippine National Police.
Ayon sa mambabatas ito ay upang matiyak na matino ang mga hepe ng pulisya lalo na ang susunod PNP Chief.
Hindi anya kas dumadaan sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments ang mga pulis kaya dapat mas mahigpit ang promotion process ng bawat opisyal mapa-lokal na hepe man o mas mataas pa.
Binanggit ni Garbin na sa ilalim ng DILG Act of 1990 (RA 6975), wala nang vetting process kundi eksaminasyon na lang ang ibinibigay ng Napolcom at ng Civil Service Commission.
Nakagawian na rin anya na humihingi o kumukuha ng endorsements mula sa iba’t ibang opisyal ang mga naghahangad na humawak ng command post.
Kailangan din ayon kay Garbin na makipagtulungan ang Civil Service Commission, Ombudsman, Bureau of Internal Revenue, Anti-Money Laundering Council, at Professional Regulatory Commission sa Napolcom sa pagsasagawa ng masusing lifestyle checks sa mga police general, gayundin sa mga colonels, majors, captains, kabilang ang police chiefs ng mga lungsod, bayan at lalawigan.
Sa ganitong paraan, mawawalis sa hanay ng PNP ang mga opisyal na sangkot sa krimen at iba pang kalokohan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.