7 preso sa Bilibid patay dahil sa kakulangan sa atensyong medikal

Pitong bilanggo ang naiulat na magkakasunod na nasawi sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa nakalipas na linggo.

Sa datos ng pulisya, binawian ng buhay ang bilanggong si Joselito Roxas araw ng Miyerkules, October 9, bandang 9:55 ng umaga.

Nasundan pa ito ng pagkasawi ng tatlo pang preso na kinilalang sila Ricardo Santos, Nicomedes Canon at Fernando Raynon na sabay sabay binawian noong araw ng Sabado, October 12 habang nasawi rin pagkatapos ng 24 oras ang isa pang inmate na kinilalang si Nilo Rawa Bacay.

Kakulangan sa atensyong medikal ang umano’y itinuturong dahilan ng pagkamatay ng mga inmates.

Samantala, kasabay ng sunud-sunod na naitalang pagkamatay sa naturang bilangguan ay ang isinasagawang demolition laban sa illegal structures sa loob ng NBP.

Ngunit kaugnay nito ay nilinaw ni Major Alberto Tapiru, BuCor spokesman na walang kinalaman ang pagkasawi ng pito sa isinasagawa nilang operasyon sa loob ng bilibid.

Read more...