Ayon sa DOTr-MRT 3, simula alas 8:30 ng gabi hanggang alas 10:30 ng gabi na kasagsagan ng rush hour ay bibiyahe na ang isang Dalian train na may tatlong coaches.
Ito ay makaraang magbigay na ng consent ang Japanese maintenance provider ng MRT-3 na Sumitomo Corporation – Mitsubishi Heavy Industries – TES Philippines para maideploy ang isa sa mga Dalian train.
Nakasaad sa consent na ang tren ay ide-deploy sa initial trial period hanggang sa masimulan ang proseso sa pagpapalit ng riles sa MRT-3 sa Nobyembre 2019.
Mayroong tatlong Dalian trains ang MRT-3 na lahat ay nakapasa na at nakumpleto na ang commissioning at validation tests na 150-hour run.
Bawat Dalian train ay kayang makapagsakay ng hanggang 1,500 na mga pasahero kada biyahe.