Unang Dalian train regular nang bibiyahe sa MRT-3
Bibiyahe na simula ngayong araw, Martes (Oct. 15) ang unang Dalian train set ng MRT-3.
Ayon sa DOTr-MRT 3, simula alas 8:30 ng gabi hanggang alas 10:30 ng gabi na kasagsagan ng rush hour ay bibiyahe na ang isang Dalian train na may tatlong coaches.
Ito ay makaraang magbigay na ng consent ang Japanese maintenance provider ng MRT-3 na Sumitomo Corporation – Mitsubishi Heavy Industries – TES Philippines para maideploy ang isa sa mga Dalian train.
Nakasaad sa consent na ang tren ay ide-deploy sa initial trial period hanggang sa masimulan ang proseso sa pagpapalit ng riles sa MRT-3 sa Nobyembre 2019.
Mayroong tatlong Dalian trains ang MRT-3 na lahat ay nakapasa na at nakumpleto na ang commissioning at validation tests na 150-hour run.
Bawat Dalian train ay kayang makapagsakay ng hanggang 1,500 na mga pasahero kada biyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.