Lalaki patay sa pamamaril sa Kidapawan City


Dead on the spot sa pamamaril ang isang lalaki sa bahagi ng Quezon Boulevard sa lungsod ng Kidapawan.

Sa ulat ng pulisya, pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang biktimang kinilala sa alyas na John Rey na pasakay noon sa isang nakaparadang tricycle habang abala naman sa pagbili sa tindahan ang driver nito.

Mga tama ng bala sa iba’t-bang bahagi ng katawan ni John Rey ang naging sanhi ng pagkasawi nito.

Sa ngayon ay patuloy pa rin na iniimbestigahan ng mga otoridad kung sino ang posibleng salarin at ang motibo nito sa likod ng ginawang krimen.

Read more...