ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao

By Rhommel Balasbas October 15, 2019 - 05:34 AM

Northeasterly surface windflow pa rin ang nakakaapekto sa ilang bahagi ng Luzon at intertropical convergence zone (ITCZ) naman ang umiiral sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, inaasahan ang magandang panahon sa buong Luzon na may posibilidad lamang ng mga pandandaliang buhos ng ulan dulot ng localized thunderstorms.

Dahil naman sa ITCZ, maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Western Visayas, Caraga at Davao Region.

Maalinsangang panahon naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstoms.

Samantala, nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ngayon ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, northern coast ng Cagayan at Ilocos Norte.

TAGS: Intertropical Convergence Zone (ITCZ), Northeasterly Surface Windflow, Pagasa, Intertropical Convergence Zone (ITCZ), Northeasterly Surface Windflow, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.