4 na hinihinalang holdaper patay sa engkwentro sa QC

By Rhommel Balasbas October 15, 2019 - 05:09 AM

(Updated) Patay ang apat na lalaki matapos makaengkwentro ang mga pulis sa Payatas Road, Quezon City, Martes ng madaling-araw.

Ayon kay Police Lt. Col. Joel Villanueva ng Batasan Police Station, nagnakaw ang mga suspek sa isang gasolinahan at isang convenience store sa lugar.

Sakay ng mga motorsiklo ang apat na suspek nang isagawa ang panghoholdap.

Wala pang pagkakakilanlan ang apat na holdaper.

Ayon sa isang gasoline boy, nalimas ng apat ang P12,000 cash at isang cellphone mula sa gasolinahan bago lumipat sa isang convenience store.

Sinabi naman ng kahera ng convenience store na nakuha ng mga suspek ang tatlong cellphone at P7,000 cash ng tindahan.

Isang taxi driver ang nagsumbong sa pulisya ukol sa holdapan.

Saktong nagsasagawa ng anti-criminality operations ang mga pulis nang mangyari ang insidente at agad na rumesponde.

Natunton ng mga pulis ang apat ngunit imbes na sumuko ay pinaputukan ng mga ito ang mga pulis na nauwi sa engkwentro at kanilang agarang pagkamatay.

Samantala, posibleng sangkot din sa kalakalan ng iligal na droga ang apat na holdaper.

Ayon sa SOCO, nakuhaan din ang mga suspek ng pitong sachet ng hinihinalang shabu.

TAGS: Batasan Police, holduppers killed in an encounter, payatas road, quezon city, Batasan Police, holduppers killed in an encounter, payatas road, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.