Nasawi sa pananalasa ng Typhoon Hagibis sa Japan umabot na sa 55

By Rhommel Balasbas October 15, 2019 - 04:28 AM

Umabot na sa 55 ang nasawi at 100 ang nasaktan matapos ang paghagupit ng Typhoon Hagibis sa Japan ayon sa Kyodo News.

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operations ng mga tauhan ng Self-Defense Forces (SDF) sa mga lugar sa central at eastern Japan na binaha at nagkaroon ng pagguho ng lupa.

Nasa 16 katao pa ang pinaghahanap.

Sa disaster task force meeting, sinabi ni Prime Minister Shinzo na ibibigay ang lahat ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

Bubuo rin anya ng isang interagency team para ayusin ang mga bahay at tulungan ang mga evacuees na makahanap ng tirahan.

Inutusan na ni Abe ang Cabinet ministers na tiyaking maibabalik sa lalong madaling panahon ang electric at water supplies.

Gayundin ay pinasiguro ang pagbibigay ng suplay ng pagkain, tubig at iba pang pangangailangan sa mga nasalanta ng bagyo kahit wala pang hiling sa local governments.

TAGS: aftermath, death toll rises to 55, Japan, Kyodo News, Typhoon Hagibis, aftermath, death toll rises to 55, Japan, Kyodo News, Typhoon Hagibis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.