4 arestado dahil sa droga sa Quezon City

By Rhommel Balasbas October 15, 2019 - 04:06 AM

Timbog ang isang nagpakilalang police asset at kasamahan nito sa buy-bust operation na isinagawa sa Sto. Niño St., Brgy. Payatas A, Quezon City.

Ayon sa Batasan Police, nakuhaan ang mga suspek ng tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Pero depensa ng nagpakilalang police asset na si alyas ‘John Paul’ speakers ang ibinebenta niya at hindi iligal na droga.

Sa kalapit na lugar, isa pang lalaki at isang babae ang naaresto na nakuhaan ng 12 plastic sachet ng shabu at isang sumpak.

Aminado ang mga suspek na gumagamit ng iligal ng droga ngunit pinabulaanan na sa kanila ang mga nakuhang droga at sumpak.

Mahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: anti illegal drug operations, Batasan Police, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, anti illegal drug operations, Batasan Police, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.