Pabuya sa makapagtuturo sa mga dumukot sa British National, asawa, itinaas sa P2M
Itinaas ng pamahalaang panlalawigan ng Zamboanga del Sur sa P2 milyon ang pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga dumukot sa British national at asawa nitong Pinay sa Tukuran.
Inanunsyo ang pagtaas sa pabuya ni Zamboanga del Sur Gov. Victor Yu sa pulong ng provincial peace and order council araw ng Lunes.
Layon nitong mapabilis ang pagsagip kina Allan Arthur Hyron at asawang si Wilma
Magugunitang dinukot ang dalawa sa loob ng sarili nilang resort noong October 4.
Sinumang may impormasyon ay maaaring tumungo sa himpilan ng police o tumawag sa mobile phone number ng provincial government na 09098947989.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.