Sa press briefing araw ng Lunes, sinabi nitong nagpadala siya ng liham sa Office of the President noong August 7 para sa kanyang hiling.
Mayroon anyang supporting documents ito para idiga na maialis na ang Davao City sa batas militar ngunit wala pang update hanggang sa ngayon.
Dahil dito, plano na rin ng alkalde na magpadala ng mga dokumento sa Kamara, Senado at sa Department of National Defense (DND).
Una nang nakapagpasa noong Agosto ang Davao City council ng resolusyong humihimok sa Office of the President na alisin ang martial law sa lungsod.
Magugunitang isinailalim sa martial law ang Mindanao taong 2017 dahil sa Marawi siege at pinalawig ito hanggang December 31, 2019.