Sara Duterte nais ipatanggal ang Davao City sa sakop ng martial law sa Mindanao

By Rhommel Balasbas October 15, 2019 - 03:12 AM

Magpapasaklolo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Kongreso para maalis ang kanyang lungsod sa mga lugar sa Mindanao na nasa ilalim ng martial law.

Sa press briefing araw ng Lunes, sinabi nitong nagpadala siya ng liham sa Office of the President noong August 7 para sa kanyang hiling.

Mayroon anyang supporting documents ito para idiga na maialis na ang Davao City sa batas militar ngunit wala pang update hanggang sa ngayon.

Dahil dito, plano na rin ng alkalde na magpadala ng mga dokumento sa Kamara, Senado at sa Department of National Defense (DND).

Una nang nakapagpasa noong Agosto ang Davao City council ng resolusyong humihimok sa Office of the President na alisin ang martial law sa lungsod.

Magugunitang isinailalim sa martial law ang Mindanao taong 2017 dahil sa Marawi siege at pinalawig ito hanggang December 31, 2019.

TAGS: Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, exemption of Davao City from martial law, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, exemption of Davao City from martial law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.