Deped: Christmas break magsisimula sa December 15

By Rhommel Balasbas October 15, 2019 - 02:28 AM

Muling nagpaalala ang Department of Education (DepEd) hinggil sa Christmas break ng mga mag-aaral sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Sa school calendar para sa taong panuruan 2019-2020 itinakda na ang Christmas break ay simula December 15 at babalik ang klase sa January 6, 2020.

“The Christmas break shall begin on Sunday, December 15, 2019. Classes shall resume on Monday, January 6, 2020,” ayon sa DepEd Order 007, series of 2019.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, hindi apektado ang Christmas break schedule ng dami ng class suspensions na ipinatupad sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Bahala na anya ang DepEd regional at division levels maging ang mga paaralan kung paano magsasagawa ng ‘adjustments’ sa mga nawalang araw.

Samantala, sinabi naman ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla na ang school calendar ay para lamang sa mga pampublikong paaralan.

Malayang makakapagdesisyon ang private schools sa pagtatakda ng kanilang Christmas break schedule.

TAGS: Christmas break, December 15, Department of Education (DepEd), Christmas break, December 15, Department of Education (DepEd)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.