Full operations ng LRT-2 planong maibalik sa Disyembre

By Rhommel Balasbas October 15, 2019 - 12:55 AM

Nais ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na maibalik na ang full operations ng LRT-2 sa Disyembre.

Sa media briefing araw ng Lunes, sinabi ni LRTA spokesperson Hernando Cabrera na gusto nilang maibalik sa normal ang operasyon ng tren para sa Kapaskuhan.

Gayunman, nakadepende pa rin umano ito sa resulta ng ginagawang paghimay sa nasirang parte ng rectifiers na nasunog.

“By Christmas ‘yun ang objective natin. That is, depende sa magiging resulta ng paghihimay sa nasirang parts,” ani Cabrera.

Sa ngayon ayon kay Cabrera, tinitingnan na ng engineers ng LRT-2 ang pinakamabilis na paraan pa sa replacement ng rectifier.

Nauna nang sinabi ng LRTA na posibleng abutin ng anim hanggang siyam na buwan ang pagbabalik sa normal operasyon ng LRT-2.

Sa ngayon, partial operations lamang ang ipinatutupad o mula Recto hanggang Cubao at pabalik.

TAGS: Light Rail Transit Authority (LRTA), LRT 2, LRTA spokesperson Hernando Cabrera, normal operations set in December, Light Rail Transit Authority (LRTA), LRT 2, LRTA spokesperson Hernando Cabrera, normal operations set in December

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.