K-pop star na si Sulli natagpuang patay
Natagpuang wala nang buhay ang Korean singer at actress na si Sulli sa sarili nitong bahay sa Seongnam, South Korea araw ng Lunes.
Ang manager ng K-pop star ang nakakita sa kanyang mga labi sa ikalawang palapag ng bahay.
Ayon sa pahayag ng pulisya, nakaranas ng ‘severe depression’ si Sulli.
Patuloy namang inaalam ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Taong 2009 nang magsimula ang ang career ni Sulli bilang miyembro ng K-pop group na f(x).
Taong 2014 nang pansamantala nitong iwan ang grupo dahil sa natatanggap na online bullying at hate comments.
Makalipas ang isang taon ay tuluyan nang iniwan ni Sulli ang f(x) at nag-focus sa acting career.
Samantala, sa official press statement ng SM Entertainment, ang handler ng K-pop star, pinayuhan ang publiko na iwasang magpakalat ng ispekulasyon sa pagkamatay nito.
Pahayag ng talent agency:
This is SM Entertainment.
We are sorry to tell everyone the sorrowful and sad news. Sulli has left us.
We cannot believe the situation, and we are simply in a state of grief.
Please refrain from spreading speculative articles or rumors in respect of the bereaved’s family who are saddened by the sudden tragedy. We express our deepest condolences to the deceased, who went on their final path.
— SM Entertainment
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.