Ex-Senate Pres. Nene Pimentel, nasa ICU

(Story updated) Isinugod sa ospital si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Sa Twitter, sinabi ni Ron Munsayac, tagapagsalita ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban), na nananatili si Pimentel sa intensive care unit (ICU).

Kasunod nito, umapela ng panalangin si Munsayac mula sa mga kaibigan at kasamahan sa partido ni Pimentel para sa mabilis na paggaling nito.

Wala namang inilabas na iba pang detalye si Munsayac kung ano ang kondisyon ni Pimentel.

Hindi rin nabanggit kung saang ospital naka-confine ang founder ng PDP-Laban.

Samantala, sa statement naman na ipinadala sa media Lunes ng gabi, sinabi ng pamilya Pimentel na nasa malalang kondisyon ang dating senate president.

Ginagawa umano ng mga doktor at hospital staff ang lahat para mapabuti ang kondisyon nito.

Nanawagan din ang pamilya ng panalangin para sa pagbuti ng lagay nito.

“Senator Nene Pimentel is very ill and currently under treatment. Doctors and hospital staff are doing their best to help him. We ardently ask that you join us in prayer for his full and complete recovery,” ayon sa pahayag ng pamilya.

Read more...