Nagsisimula nang magtipon ang mga supporter nina dating Senador Bongbong Marcos at Vice President Leni Robredo.
Sa tanggapan ng Korte Suprema, nasa kanang bahagi ang mga supporter ni Marcos habang nasakaliwang bahagi naman ang mga supporter ni Robredo.
|
Halos ilang hakbang lamang ang layo ng dalawang grupo.
Simula Lunes ng hapon, October 14, sarado na ang kahabaan ng Padre Faura sa Ermita, Manila.
Ayon kay Jean Diaz, supporter ni Bongbong Marcos, magsasagawa sila ng candle lighting Lunes ng gabi.
Samantala, ang mga supporter naman ng bise presidente ay magsasagawa ng prayer vigil at misa.
Ayon kay P/Col. Ariel Cabarle Caramon ng Manila Police District (MPD), mayroong 150 supporters si Marcos sa lugar habang nasa 20 naman ang kay Robredo.
Sinabi rin ni Caramon na walang nangyayariang kaguluhan sa pagitan ng dalawang grupo.
Pareho namang umaasa ang dalawang grupo na sasang-ayon sa kanila ang ilalabas na desisyon ng SC.
Araw ng Martes (Oct. 15), ilalabas ng Korte Suprema ang resulta sa vice presidential election protest ni Bongbong Marcos laban kay Robredo matapos itong ipagpaliban ng tatlong beses.