PCSO Dir. Sandra Cam, naghain ng libel case vs Lalaine Yuson

By Noel Talacay October 14, 2019 - 09:40 PM

Nagsampa ng kasong libelo ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam sa piskalya ng Maynila laban kay Lalaine Yuson, asawa ni Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Ito ay dahil sa pagdawit sa kaniyang pangalan sa pagpatay sa bise alkalde ng Batuan.

Maliban kay Lalaine Yuson, kasama rin sa kinasuhan ng libelo ang tatlong pahayagan na Inquirer, Abante at Police Files.

Nabatid na inihain ni Cam ang tatlong libel case laban kay GinangYuson kay Fiscal Dyna Pacquing ng Manila Prosecutors Office.

Kasama rin sa kakasuhan ng libel ang ilang publisher at reporter na naglathala ng balita na binanggit ang pangalan ni Cam matapos itong
isangkot ni Ginang Yuson sa kaso.

Ayon sa legal counsel ni Cam na si Atty. Rizal Balbin, nasa 20 libel cases pa ang maaaring maisampa nila sa mga susunod na araw.

Unang tinanggi ni Cam ang nasabing alegasyon matapos na tukuyin siya ni Mrs. Yuson bilang mastermind sa pagpaslang sa bise alkalde.

TAGS: Atty. Rizal Balbin, Batuan, Charlie Yuson III, Lalaine Yuson, Libel, Masbate, pcso, sandra cam, Atty. Rizal Balbin, Batuan, Charlie Yuson III, Lalaine Yuson, Libel, Masbate, pcso, sandra cam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.