Kampanya sa pagpapabakuna vs polio, inilunsad na
(Story updated) Inilunsad na ng Department of Health (DOH) ang kampanya sa mass vaccination kontra sa polio sa buong bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, layon ng “Sabayang Patak” campaign na mabakunahan ang 95 porsyento ng mga batang may edad lima pababa.
Iginiit ni Duque na ang full vaccination pa rin ang pinakamabisang paraan para mahinto ang pagkalat ng polio virus.
Aminado naman ang kalihim na hindi magiging madali ang unang round ng vaccination drive na tatagal hanggang October 27.
Dahil dito, inihayag ni Duque na kailangan ng buong kooperasyon para sa kampanya.
“We urge all parents and caregivers, health workers and local government units to protect their children and communities against the poliovirus by participating in the synchronized vaccination in high-risk areas in Mindanao and in NCR,” ani Duque.
Kahapon, sinimulan na ang mass vaccination sa Metro Manila, Marawi City, Lanao del Sur, Davao City at Davao del Sur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.