Lalaking nagpanggap na opisyal ng DBM, timbog dahil sa pangingikil sa Maynila
Arestado ang isang lalaki matapos magpanggap bilang kawani ng Department of Budget and Management (DBM) sa Maynila, araw ng Linggo.
Sinubukan din umanong mangikil ng suspek na si Joseph Pajila Sr., 35-anyos, sa mga pulis sa Lacson Community Precint sa Lacson Avenue sa Sampaloc, Manila bandang 7:30 ng gabi.
Ayon sa mga pulis, tumungo ang suspek sa nasabing presinto na may suot na asul na polo shirt na may selyo ng DBM at nagpakilalang empleyado ng nasabing ahensya.
Nanghingi umano ng pera ang suspek sa mga pulis dahil may sakit umano ang anak nito at naka-confine sa San Lorenzo Hospital.
Dahil naghila ang mga pulis, agad sila nagsagawa ng imbestigasyon at napag-alamang hindi tunay na empleyado ng DBM si Pajila.
Napag-alaman dinng walang sakit ang kaniyang anak, kaya naman agad inaresto ang suspek.
Nahaharap ang susepk sa kasong usurpation of authority at illegal use of uniform or Insignia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.