Pangulong Duterte, nais mag-terminal leave si Albayalde – Go

By Angellic Jordan October 14, 2019 - 08:23 PM

Isiniwalat ni Senador Christopher “Bong” Go na nais lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-terminal leave si Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde hanggang sumapit ang pagreretiro nito sa Nobyembre.

Sa panayam sa Senado, sinabi ni Go na iminungkahi ng pangulo at DILG Secretary Eduardo Año sa Cabinet meeting noong Biyernes, October 11, na mag-terminal leave muna si Albayalde kasabay ng isinasagawang imbestigasyon sa umano’y drug recycling sa buy-bust operation sa Mexico, Pampanga taong 2013.

Aniya, tinalakay ng pangulo kasama sina Año at Albayalde kung ano ang mas makakabuti para sa pambansang pulisya.

Sinabi pa ni Go na alam ni Año na intensyon na ni Albayalde na magbitiw sa pwesto bago pa man makapulong ang Punong Ehekutibo noong Biyernes.

Naghain ng non-duty status si Albayalde sa flag raising ceremony sa Camp Crame, Lunes ng umaga.

TAGS: PNP chief General Oscar Albayalde, Rodrigo Duterte, Sen. Christopher "Bong" Go, PNP chief General Oscar Albayalde, Rodrigo Duterte, Sen. Christopher "Bong" Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.