Pressure sa PMA, posible isa sa dahilan ng pagbibitiw sa pwesto ni Albayalde – Gordon
Posibleng ang pressure mula sa Philippine Military Academy (PMA) ang isa sa mga rason ng pagbibitiw sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde, ayon kay Senator Richard Gordon.
Sinabi ni Gordon na mayroon siyang natanggap na mensahe mula sa isang retiradong heneral na nanawagan kay Albayalde na “Save the PNP.”
Nadadamay na kasi aniya ang PNP sa kinasasangkutang kontrobersya ni Albayalde kasama ang 13 pulis-Pampanga dahil sa maanomalyang anti-drug operation sa bayan ng Mexico noong 2013.
Nabanggit din aniya sa mensahe si retired Brig. Gen. Rudy Lacadin.
Si Albayalde ay nagtapos bilang miyembro ng PMA Sinagtala Class of 1986.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.