Inihayag kasi ni Panelo na sa halip na puro puno sa gobyerno, mas maigi kung maghain ng mga posibleng solusyon ang mga kritiko sa trapiko sa bansa.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Atty. Larry Gutierrez, tagapasalita ni Robredo, na matagal nang nagbibigay ng mga suhestiyon ang bise presidente sa anumang kinakaharap na problema ng bansa kasama ang sitwasyon ng trapiko.
Handa aniya si Robredo na tumulong sa pamahalaan.
Nag-iwan pa ng katanungan si Gutierrez kung bakit makalipas ang tatlong taon sa panunungkulan ay ngayon lamang naghahanap ng solusyon sa gobyerno.
Matatandaang tumagal ng apat na oras ang biyahe ni Panelo nang mag-commute patungong Malakanyang noong Biyernes, October 11, 2019.