Kampo ni Robredo, sumagot sa panawagan ni Panelo sa mga kritiko na maghain ng posibleng solusyon sa trapiko

By Angellic Jordan October 14, 2019 - 08:22 PM

Sumagot ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa panawagan ni Presidential spokesman Salvador Panelo na magsumite ng mga solusyon sa trapiko.

Inihayag kasi ni Panelo na sa halip na puro puno sa gobyerno, mas maigi kung maghain ng mga posibleng solusyon ang mga kritiko sa trapiko sa bansa.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Atty. Larry Gutierrez, tagapasalita ni Robredo, na matagal nang nagbibigay ng mga suhestiyon ang bise presidente sa anumang kinakaharap na problema ng bansa kasama ang sitwasyon ng trapiko.

Handa aniya si Robredo na tumulong sa pamahalaan.

Nag-iwan pa ng katanungan si Gutierrez kung bakit makalipas ang tatlong taon sa panunungkulan ay ngayon lamang naghahanap ng solusyon sa gobyerno.

Matatandaang tumagal ng apat na oras ang biyahe ni Panelo nang mag-commute patungong Malakanyang noong Biyernes, October 11, 2019.

TAGS: Salvador Panelo, traffic, VP Leni Robredo, Salvador Panelo, traffic, VP Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.