Ilang lugar sa Luzon, uulanin pa rin ngayong hapon

By Angellic Jordan October 14, 2019 - 04:09 PM

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:32 ng hapon, iiral ang moderate to heavy rain showers na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Zambales at Pampanga.

Mararamdaman ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Naalis naman na ang thunderstorm advisory sa ilang lalawigan sa Luzon.

Kasunod nito, pinag-iingat pa rin ng weather bureau ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: moderate to heavy rain showers, pagasa, thunderstorm advisory, moderate to heavy rain showers, pagasa, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.