Mga kritiko ng gobyerno, dapat maghain ng solusyon sa trapiko – Panelo

By Angellic Jordan October 14, 2019 - 03:50 PM

EDSA TRAFFIC/ OCTOBER 28, 2014
Slow moving traffic at Edsa
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Sa halip na magbato ng mga puna sa gobyerno, inihayag ng Palasyo ng Malakanyang na dapat maghain ang mga kritiko ng solusyon para tugunan ang problema sa trapiko.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, magbigay na lamang ng mungkahi ang mga mahilig maghamon para makatulong sa pamahalaan.

Inihalimbawa ni Panelo si Vice President Leni Robredo na isa sa mga kritiko ng gobyerno.

Iginiit ni Panelo na hindi makakatulong ang kritisismo para maresolba ang problema sa trapiko.

Matatandaang nanindigan si Panelo na walang mass transport crisis sa bansa.

Kasunod nito, iginiit ni Robredo na dapat umanong tanggapin na malaki ang problema sa transport system sa bansa para aksyunan ang problema.

TAGS: Palasyo ng Malakanyang, Presidential spokesman Salvador Panelo, Vice President Leni Robredo, walang mass transport crisis, Palasyo ng Malakanyang, Presidential spokesman Salvador Panelo, Vice President Leni Robredo, walang mass transport crisis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.