Lalaki, natagpuang palutang-lutang sa isang ilog sa Quezon City

kuha ni Chris Osera

Wala ng buhay ang isang lalaki nang matagpuang palutang-lutang sa ilog sa bahagi ng Barangay Bagumbayan sa Quezon City, Lunes ng hapon.

Namataan ng isang residente ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki bandang 3:00 ng hapon.

Ang nasabing lalaki ay nakasuot ng kulay berdeng t-shirt at kulay itim na pantalon.

Sa ngayon, inaalam pa rin ng pulisya kung nadisgrasya, nalunod ba ang lalaki o kung biktima ng extrajudicial killing.

Read more...