Lalaki, natagpuang palutang-lutang sa isang ilog sa Quezon City

By Jong Manlapaz, Marlene Padiernos October 14, 2019 - 03:35 PM

kuha ni Chris Osera

Wala ng buhay ang isang lalaki nang matagpuang palutang-lutang sa ilog sa bahagi ng Barangay Bagumbayan sa Quezon City, Lunes ng hapon.

Namataan ng isang residente ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki bandang 3:00 ng hapon.

Ang nasabing lalaki ay nakasuot ng kulay berdeng t-shirt at kulay itim na pantalon.

Sa ngayon, inaalam pa rin ng pulisya kung nadisgrasya, nalunod ba ang lalaki o kung biktima ng extrajudicial killing.

TAGS: bangkay, Barangay Bagumbayan sa Quezon City, extrajudicial, bangkay, Barangay Bagumbayan sa Quezon City, extrajudicial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.