Año, nirerespeto ang pagbibitiw sa pwesto ni PNP chief Albayalde

By Angellic Jordan October 14, 2019 - 02:44 PM

Pinuri ni DILG Secretary Eduardo Año ang aniya’y “selfless act” sa pagbibitiw ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde sa pwesto.

Ito ay para hindi na aniya madamay ang PNP sa kontrobersya ukol sa drug recycling o ninja cops.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Año na nirerespeto niya ang desisyon ni Albayalde na maisailalim sa non-duty status hanggang sumapit ang pagreretiro sa November 8.

Inendorso aniya niya ang liham ni Albayalde, Linggo ng gabi, na tinanggap din aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa sa kalihim, makatutulong ang naging hakbang ni Albayalde para maka-move on ang PNP at maipagpatuloy ang mandato na protektahan ang sambayanan.

Nagpasalamat din si Año kay Albayalde sa kaniyang dedikasyon sa pagbibigay-serbisyo bilang pinuno ng PNP.

TAGS: "selfless act", DILG Secretary Eduardo Año, Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde, "selfless act", DILG Secretary Eduardo Año, Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.