Panelo, iginiit na walang problema sa pagco-commute ng isang beses kada linggo

By Angellic Jordan October 14, 2019 - 02:34 PM

Iginiit ni Presidential spokesman Salvador Panelo na walang problema kung mag-commute ng isang beses kada linggo.

Sa press briefing, sinabi ni Panelo na ito ay kung layon nitong makibahagi ng simpatya sa mga commuter.

Ngunit, kung layon lamang nito na maranasan ng mga opisyal ang pag-commute, sinabi ni Panelo na hindi na ito kailangan.

Ibinahagi rin ni Panelo na kinalakihan na nila, maging ang iba pang miyembro ng gabinete, ang pagsakay ng bus, jeep at tricycle.

Matatandaang nagc-commute nang mag-isa si Panelo papasok ng Malakanyang noong Biyernes, October 11, matapos hamunin ng ilang grupo.

TAGS: commute challenge, Presidential spokesman Salvador Panelo, traffic, commute challenge, Presidential spokesman Salvador Panelo, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.