Pagbibitiw sa pwesto ni Albayalde, hindi nagsisilbing “closure” sa isyu ukol sa ‘ninja cops’ – Hontiveros

By Angellic Jordan October 14, 2019 - 02:30 PM


Welcome kay Senadora Risa Hontiveros ang pagbibitiw sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Hontiveros na angkop ang naging desisyon ni Albayalde na magbitiw sa pwesto dahil sa mga lumalabas na akusasyon laban sa kaniya.

Gayunman, hindi aniya ito nagsisilbing “closure” sa isyu ukol sa ‘ninja cops’ o drug recycling.

Ito ay isang importanteng hakbang aniya para malaman ang katotohanan at hustisiya sa kontrobersiya.

Umaasa rin ang senadora na makakatulong ang pagbibitiw ng PNP chief sa pwesto para malaman ang lahat ng responsable sa isyu at maibalik ang magandang reputasyon at imahe ng PNP.

TAGS: closure, ninja cops, Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde, Senadora Risa Hontiveros, closure, ninja cops, Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde, Senadora Risa Hontiveros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.