Bangkay ng lalaki natagpuang palutang-lutang sa Mactan Channel

By Dona Dominguez-Cargullo October 14, 2019 - 11:29 AM

Natagpuang walang buhay at palutang-lutang sa Mactan Channel ang isang lalaki Lunes, Oct. 14 ng umaga.

Ayon sa mga tauhan ng Hoops Dome Police Station sa Lapu-Lapu City nadiskubre ng isang mangingisda ang bangkay ng lalaki sa Sitio Paradise, Barangay Pajo.

Wala namang nakakakilala sa mga residente ng Sitio Pajo sa nasabing lalaki.

Ang lalaki ay nasa 5-feet and 5-inches ang taas, moreno, maikli ang buhok at nasa edad 35 hanggang 40.

Hindi pa matukoy kung may foul play sa pagkamatay ng lalaki.

Iimbestigahan naman ang mga CCTV camera sa lugar partikular ang mga nakalagay sa dalawang tulay na nagkukunekta sa Mactan Island at mainland Cebu.

TAGS: crime, inquirer, Mactan channel, PH breaking news, police report, summary execution, Tagalog breaking news, crime, inquirer, Mactan channel, PH breaking news, police report, summary execution, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.