1 patay sa aksidente sa Cebu

Patay ang isang 26 anyos na lalaki matapos makabanggaan nang minamaneho niyang motorsiklo ang isang kotse sa South Road Properties sa Talisay City, Cebu.

Nangyari ang aksidente alas 6:00 ng umaga ng Lunes, October 14 malapit lamang sa Talisay City fishport.

Nakilala ang biktimang si Marjun Sebaylos Paragosa, residente ng Barangay Inayagan, Naga, Cebu.

Ayon kay Patrolman Ricky Abarantez ng Talisay Traffic Police, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa kotse ang driver na si Kurt Joseph Año,.

Nasakop nito ang kabilang linya at nakasalubong ang motorsiklo ni Paragosa.

Agad nasawi si Paragosa dahil sa tinamong pinsala sa katawan.

Read more...